Wednesday, April 23, 2014

How to Logout on VIBER

To log-out on Viber..is just a simple as this...


Just click "Clear Data" from your Phone's Setting then Apps and search for Viber...and that's all you're donw...you can now log-in another account from your Viber Android App

Thank you for visiting my blog..hope you enjoy ;)


FOLLOW ME:
Twitter/IG: @JashuaSanbae

Monday, May 13, 2013


THANK YOU for the CARE [My Thoughts]

Thank you Lord GOD, thank you for everything! :D
I’ve been born weak, fragile, and has a different personality. My parents didn’t want that kind of characters.

When I was in 5, Nanay told me to act like a chap. I tried but I can’t! My friends and playmates bullied me and treat me like a stranger.
So, I better stay at home always because I’m too shy to show myself in public. When I saw some people chattering around looking at me, I feel like they’ll going to curse me to death.

I continue acting like a lassie. I didn’t mind them at all! In my mind, I’m just true to myself, why change? It’s my nature, I’m not plastic!

I reached the stage of being an adolescent. When I went with Nanay to the market and I saw something I like, I didn’t tell her that I want that or I want this because when I’m little, she always scolds at me when I ask her to buy something for me. “Our money is not enough for that,” she always said that. Now, I realize that the children of today are very lucky because their parents always gave them what they want. In my time, it’s not easy. You’ll have to cry a lot like an artist before they will give what you need but sad to say sometimes, they don’t. So when we will have an affair at school, I didn’t have a chance to choose my own dress and what my likes are? Because they choose what they want for me and I have no complaints about that. In my mind, “I’m lucky and proud that my mom choose this dress for me.”

As the days past, I realized about myself, “Why is it I’m like this? Always being treated differently by the others. What would be my life in the future? Will I be fail and can’t stand up anymore?” I asked. Those are the questions that bothered on my mind. Instead, I said “I can do this! With GOD nothing is impossible.” I’ve been hoping that they’ll understand me someday, why GOD gave this life to me. Maybe He gave me this kind of life because He wants me to understand that no matter who you are, WE ARE ONE!

On my way, I met some hilarious friends especially Ryan Mantac, my best friend since I was in elementary. We’ve been through with quarrels and arguments sometimes but he’s not plastic that’s why I like him. Friends gave me happiness, they make my life more beautiful and meaningful in some ways, and they gave me courage to pursue my dreams in life.

I have some funny and memorable moments during my high school years with my friends (Sorry I didn’t mention the names because it’s too many of them.) They let me experience being a human being without any limitations and discriminations. I feel I can do this! Being with them every day talking and chit chatting is like I am free and be able to do what I want.

I’m very thankful that I found them because when we saw each other at school or along the way, they call me “Jashua,” not my true name. I’m just happy to hear that they’re calling me like that because it sound nice and good to my eardrums.
In my 17 years of age, they still call me Jashua. And now, I’m turning 18 and I’ll hope that whatever happens they’ll going to call me Jashua, now and forever!
I reached this age without engaging in any relationships because I don’t need it and I believe that instead of that, I’ll make more friends because they made me stronger to face challenges that I’ve through on my way. They say “Without a lover, your life will be in a mess,” that’s not true because I reach this age normally, happy, and stress-free. To be in a relationship with others is not an answer to your happiness but the true happiness can be found on GOD, on your parents, and on your friends. To be with your lover is a temporary pleasure, but months past it’ll fade like a smoke with no trace. I’m not saying I’m perfect, I just want to share what’s on my mind.

Thank you very much for my friends, for the memories! I won’t forget it forever. Especially to GOD, the Almighty Father and the creator of all things, my life became happy and have no borders when I met Him, just be with Him no matter what happens.

All the impossible can be possible with GOD. Trust Him and believe in Him!


Wednesday, August 22, 2012

Hawak na Nakakakiliti


            Naranasan niyo na bang mahulog sa isang taong makulit sa’yo at nagbibiro? Isang taong hindi mo inaasahan na dadating siya sa buhay mo at bigla ka na lang napatulala? ‘Yong ‘di mo sana siya gusto at ibang-iba talaga ang katangiang gusto mo, pero pumapasok talaga siya sa puso’t isipan mo? Hindi mo na kayang tiisin ang nararamdaman mo, pero paano mo siya mawala sa isip mo?
            Ako? Ay isa ‘ding tao, na nangangailangan ng konting inspirasyon. Para mawala ‘yong mga pagod at mga problema ko sa buhay. Isa akong estudyante na palagin na stress sa dami ng aking tinatrabaho at ako’y may malambot na puso na madaling mahulog at madali ‘ding magtampo. Minsa nga, nag-away kami ng aking mga kaibigan dahilan lamang sa maliit na bagay. Ang bagay na pwede namang pag-usapan, pero lumalim at lumala ito. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at sinabi ko na sa isang gurong kung makapagsalita ay napakasarap pakinggan at nangigising sa katotohanan. Sabi niya, kulang daw ako sa pansin ng aking mga kaibigan dahil nga daw sa sobrang busy ako sa aking trabaho at pag-aaral. Siguro nga ganyan talaga ang katangian ko, madaling magtampo at madaling mahulog. Nahuhulog lang naman ako sa mga taong gusto ko, pero nililihim ko ‘yon. May palihim na tumitingin sa kanya o kung anu-ano pa. Pero minsan ‘di ko na makayanan. At ang aking sekreto ay ibinubunyag ko na sa aking mga matatalik at makapagkatiwalaan na mga kaibigan. Isa akong tao na mapaglihim, madaldal sa mga taong nasanayan ko na, at mapagbiro din. Ayaw ko ng away, kaya ‘pag tinutukso nila ako dahil sa aking kasarian ay tinitingnan ko na lang sila sabay ngiti at parang wala lang. Hindi ko na dinidibdib ‘yan dahil palagi na lang ganyan ang sinasabi nila sa ‘kin mula nang bata pa ako kaya nasanay na ako ng ganyan.
            Mula nang elementarya kami, hindi ko talaga siya gusto. Siya ay isang lalaking seryoso, mapagbiro minsan, at para sa aking wala siyang ka taste-taste. No’ng Grade-IV kami, kaklase ko siya. Natatandaan ko pa nga na sumali kami sa isang Interpretative Dance. Hinding-hindi ko ;yon makalimutan pati ‘yong kwento ng kanyang buhay. Hanggang sa lumipas ang mga oras, buwan, at taon, Fourth Year High School na kami. Hindi ko siya pinapansin o napapansin dahil ‘di kami close. Sa bilis siguro ng panahon ay nag-iba na ang ihip ng hangin at nagbibiruan na kaming dalawa. Hanggang dumating na ang araw na parang close na close na kami. Palagi niyang hinahawakan ‘yong baywang ko dahil nakikiliti ako. At kung nagagalit na ako sa kanya ay hindi ko magawa dahil tawa siya nang tawa. Dahil ‘di na daw ma-drawing ‘yong mukha ko.
            Meron na akong nagustuhan, ibang section at hindi kami magkaklase. Since, third year ko pa siya naging inspirasyon. Pero dumating ‘tong UFO sa buhay ko eh. Nag malfunction na yata ‘yong utak at bigla na lang sa kanya napatuon ang aking pansin at pagtingin. Hindi ko nga ma-explain kung bakit ko siya gusto. Hindi naman siya ang type ko at higit sa lahat ngayon lang kami naging close. Hindi lang iyan ang mga katanungan na itinatanong ko sa puso’t isipan ko. Maraming-marami pa, ‘di ko lang mabilang-bilang. Hindi nga ako makapaniwala na nang dahil sa biro naming at kiliti, bigla na lang bumagsak ang puso ko sa lupa at ‘di na mababalik pa. pero minsan na e-try ko na kakalimutan na siya, pero hindi talaga mapigilan ang tibok ng puso na ang hanap-hanap ay siya. Mukhang napakalakas talaga ng tama niya sa akin, tumagos talaga hanggang sa utak ko.
            Dumating ‘din ang araw na hinihintay ko. Ang mawala siya sa buhay ko. Ang saya-saya ko pa nga eh, nang biglang tumunog ‘yong cellphone ko, isang mensaheng nanggagaling sa kanya. Heto namang si gaga binuksan ‘yong message niya at nakilig. Agad-agad kong ne-replyan at tuloy-tuloy na ang pag-uusap naming. Ilang buwan kong tiniis ang hapdi’t kirot para mawala at mabura siya sa isip ko ay isang text lang pala ang katapat at balewala na lahat ang pinaghirapan kong malimutan siya.
            Pero isa ‘din siyang malalaking tulong sa akin. Dahil siya ang naging inspirasyon ko sa buhay. Unti-unti niya inintindi sa akin na maliban sa kaibigan ay may iba pa palang nag-alala para sa akin. Kahit sa panaginip ko na lang siya makikita at makakausap. Maraming salamat sa’yo, kung saan ka man ngayon, mag-ingat ka lagi at huwag mong kalimutan na para kang isang himala na may iniligtas kang isang buhay ng tao na balak na niyang tapusin ang mga pasakit sa kanyang buhay.

Monday, August 13, 2012

Tiwala sa Sarili

Photo Source: http://www.aroundtheflexure.com/wp-content/uploads/2011/10/bob-winsett-silhouette-of-woman-trail-running-co.jpg
          Paano kaya kung ikaw na lang mag-isa ang namumuhay? Malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay, wala kang kakila-kilala ni isang tao man lang. Paano ka mabubuhay dahil iba na ang iyong paligid, hindi tulad ng dati na malayo ka sa sibilisasyon. Kaya mo pa kayang magpatuloy sa iyong desisyon para sa kinabukasan mo?
          Ang tiwala sa sarili ay nasa ating sarili na, nasa atin na 'yan kung papano natin ito gagamitin. Ito ay nagmula sa ating sarili hanggang ang ating hinahangad ay makamit. Ito dapat ay 'wag nating iwala dahil ito ay ating panangga sa anumang laban na maari nating harapin. Kailangan habang tumatagal ay lalo nating palakasin ang ating tiwala sa sarili para kung ano man ang mangyari, tayo ay handa at hindi na tayo mag-alala pa. Kung nawalan ka man ng tiwala, 'wag kang mag-alala at merong solusyon 'yan. Ipikit lang ang mga mata to manalangin ng taimtim, manalangin ng mula sa puso't isip mo. Dahil andyan palagi ang ating Panginoong Diyos na walang sawang nagsusuporta sa atin. Sigurado akong 'di ka niya bibiguin.
          Hindi ko naransan maghiwalay sa aking mga mahal sa buhay nang matagalan. Pero wala akong magawa kundi tiisin ang lahat-lahat ng lungkot na aking nararamdaman. No'ng una, mahirap para sa aking ang mag-adjust sa mga tao sa aking paligid. Ang iba ay magkakilala na dahil sila'y nanggaling sa iisang barangay at ang iba naman ay kaklase nila no'ng hayskul. Akala ko ako lang mag-isa na namumuhay dahil ni wala man lang sa kanila ang kumakausap sa'kin. Talagan miss na miss ko na talaga ang mga barakada ko't kaklase. Parang gusto ko nang umuwi. Parang nawalan na ako ng tiwala sa sarili at gusto ko nang umiyak at tatawagin ko si nanay na kunin nila ako dito, pero hindi ko naman gagawin 'yan dahil mapapahiya lang ako sa kanila at dahil malaki na ako at may isip na.
          Lumabas akong mag-isa galing sa kwarto nang madaanan ko ang katulong ni lola. Si lola ang nagbabantay sa amin dito. Sinabihan niya akong umupo sa tabi niya para mag-usap. Gumaan ang aking loob, sa wakas ay hindi naman mapanis ang laway ko. Nag-usap kaming dalawa at pinakilala niya ako sa ibang mga makakasama ko.
          Sa susunod na araw, maaga pa akong gumising kasi maaga pa ang aking pasok. Naghanda na ako ng aking kakainin, pagkatapos ay kumain ako. Mag-isa lang ako sa mesa, wala ni sino man ang kasabay kong kumakain. Habang ako'y kumakain kumakabog ang aking dibdib, hindi ko alam kung ano ang naging dahilan. Bigla nalang na hindi ko na kayang lunukin ang kanin at parang hindi na matanggap ng aking lalamunan. Pumatak ang isang butil ng tubig mula sa aking malulungkot na mga mata, biglang nagbago ang aking paligid. Naisip ko ang sinabi ni nanay sa akin "Paano na lang kami ni tatay mo kung sa malayo ka na, mga aso na lang ang kasama namin dito kung wala ang kuya mo minsan." Biglang napakabigat ng nararamdaman ko, gusto ko na talagang umiyak ng sobra-sobra. Ayokong malunngkot si nanay at tatay dahil sila ang pinakaimportante sa aking buhay. Gusto ko na talagang umuwi, ayaw ko na, susuko na ako, pero sabi ko sa sarili ko "Kaya ko 'to, kayang-kaya, kung kaya nila, kaya ko din ito." Naisip ko rin na kung uuwi ako at ihinto ko lahat-lahat ng pangarap ko sa buhay. Ano na lamang ang mangyayari sa akin balang araw?
          Lumipas pa ang maraming araw at hindi ko na namalayan na malapit na ako sa aking mga kasama. Mababait din sila at mapagbigay tulad ng aking mga kaibigan. Bukas ang puso't isipan nila kung sakaling magpaturo ako ng aking mga lessons sa kanila minsan. Naisip ko na, parang nasa bahay lang ako. Medyo nakapag adjust na ako at wala na ang lungkot sa aking dibdib. Ang saya pala kung nasa malayo ka dahil maraming tao ang makikila mo.
          Higit sa lahat, ako'y taos pusong nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos sa paggabay sa aking dito kahit malayo na ako sa aking mga magulang. Salamat Panginoon sa walang sawang pagmamahal sa akin. Kung may tiwala ka sa sarili mo, wala ka dapat alalahanin at kabahan. Kaya dapat magtiwala tayo sa ating Panginoong Diyos at sa ating mga sarili.

Saturday, August 11, 2012

Sulat ng Magulang sa Anak


Mahal kong anak,

     Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

     Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

     Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

      Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

      Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay. At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Bakit Ikaw Pa


Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo
Bakit ikaw pa ang napili ng puso kong ‘to
Ikaw palagi ang laman ng utak ko’t isip
Kung makikita kita, dibdib ko’y naninikip.

‘Pag nakatabi kita ‘di ako makagalaw
‘Pag ikaw ay sumasayaw ng ating eksersays
Magaling kang sumayaw, parang ako’y matunaw
Parang ‘di na ako kailangang mag-eksersays.

Bakit ganito ang naramdaman ko sa iyo
Buti pa ang bike mapigilan dahil may preno
Ang cellphone na lolobat dahil wala ng laman
Ba’t ang puso ko sa iyo, ‘di ko mapigilan.

Kayang-kaya kitang buburahin sa isip ko
Ba’t ‘di ko kayang palabasin ka sa puso ko
Ganito ba ang tinatawag nilang pag-ibig
‘Yan palagi ang lumalabas sa aking bibig.

Pero ano ba talaga ang katangian ko
Ako ay umiibig sa parehong uri ko
Ang palaging tintanong ko, ano ba ako.
Ako ba’y tama o mali ang ginagawa ko.

Ayon sa ‘king matalik na mga kaibigan
Meron daw akong technical error sa ‘king utak
Sabi nila sa ‘kin, biro lang daw nila iyon.
Pero totoo siguro, utak ko’y nataktak.

Hindi ako umaasa na maging tayo
Kung mabasa mo man ang aking tulang ito
Ito’y ihahandog ko para lamang sa iyo
‘Di mo man malaman, ako’y humahanga sa ‘yo.

Ako ay nagpapasalamat ng lubos sa ‘yo
Na ikaw ay nagiging bahagi ng buhay ko
Kahit sa panaginip ko lang, ika’y makita
Ako ay kontento na at masayang-masaya.

The Power Of You



As I am waiting for someone to come
I lean my eyes then I found you
That’s it! You’re my one and only cue
And I am wondering if, where you came from?

Now, it’s time for me and you to go
To attend our every Saturday NAT Review
I walk with poise and you look fabulous
I keep on trying things work, I think I’m too ambitious.

We were not meant to ne and we’re not going be
Because of your attitude that’s like a bee
Buzzing and roaming around during the review
Even if I told you to stop, what’s happening to you?

My dear, my dearest one
My heart says, you’re the only one
I am going to turn off with you
But my mind tells me, I can’t let you go.

Date Created: February 18, 2012 (8:30 PM) [A Tribute to the one I love, JMGMJSJA]