Saturday, August 11, 2012

Ang Lahat ay may Dahilan



        Nagising ako sa maling akala na ang lahat ng mga bagay ay nangyayari lamang nang walang dahilan. Hindi ko napapansin na may dapat pala akong pasalamatan ng lubos o may dapat pala kong alalahanin.
        Ngayon ang buhay ko ay napakakumplikado. Hindi ko na malaman ang aking nararamdaman. Ang damdamin ay hindi na makapag – isip kung ano ang dapat kong gawin sa mga bagay na dapat kalimutan o bigyan ko ng pansin.
        Medyo malalim na ang gabi at dinalaw na ako ng aking antok, pero may kailangan akong tapusin at ipapasa na kinabukasan. Nainip na ako at parang wala nang ganang sumulat. Bigla ko na lang naisip na makikinig na lang ako sa mga kanta ng aking paboritong singer. Nang magsimula na ang intro ng paboritong ko ring kanta ni Enya, ay bigla akong tumahimik at nakinig nang husto.
        Biglang may pumasok na kung ano sa aking isipan, tatlong malaking katanungan na noon ay hindi ko pa napansin kung ano ang naging dahilan. Una, kung ano ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako o gumawa ako ng aking Facebook Account. Pangalawa, kung bakit gumanda ang kamay ko sa pag e – edit ng mga larawan. At pangatlo, bakit ba bumili ako ng bagong SimCard na TM, na alam ko naman hindi ko kailangan ‘yan at halos lahat kami sa bahay ay Smart SimCard ang ginagamit. At ang pinakamalaking tanong para sa akin “Ano ba talaga ang pumasok sa isip ko? May maganda ba itong dahilan at kalalabasan ang mga ito?”
        Facebook? Una ko ‘yan narinig sa aking nakakatandang kapatid at sa aking pinsan. Sabi nila maganda daw ‘yon, masaya, at nakakaaliw. Parang Friendster daw ‘yon pero may chat lang siya. Kaya pedeng kayong magkausap kung siya ay online. Ang kanilang mga sinabi ay naiwan sa aking isipan at parang gusto ko ring subukan, pero medyo hindi parin ako kumbinsado na gumawa. Dahil nga bago pa lang ang Facebook noon, pwede mo pang makita ang profile ng mga members at ang mga status updates nila. Bigla kong napindot ang isang link, dahil nga hindi pa ako pamilyar at wala pa akong alam. Lumabas ang profile ng isang tao at sa kababasa ko ng kanyang mga updates ay bigla na lang lumaki ang mga mabibilog kong mga mata sa isang post. May contest daw sa pagalingan ng pag – edit ng isang picture ng artista. Dali – dali kong binasa ang mga requirements at ang price ay e – meet mo ang taong ‘yan. Biglang nagka interest ako at gusto ko ring subukan na sumali sa isang paligsahan. Sa isip ko ay, ‘di bale na kung ‘di ako mananalo basta e – try ko ‘yong best ko at kung sakaling manalo man ako, nasayangan man ako sa price ko. Pero sabi ko, bahala na basta makapagsali ako, ‘di bale na hindi ko siya ma e – meet kahit na siya ang idol na idol ko mula nong Grade V pa ako. Kaya dali – dali akong pumunta sa “Sign Up” at nalaman ko na kailangan pala ng Email Address. Kaya pumunta ako ng Google at accidentally kong napindot ang “Gmail” na link, at lumabas ang “Create Email”. Then, nag Sign Up ako. Pagkatapos nun ay agad akong bumalik sa Facebook at pinil – apan ko ang mga data sa mga boxes. At saw akas, nakagawa din ako ng aking sariling account. Pagkauwi ko ng bahay ay pumunta na agad ako sa harapan n gaming computer at nag edit. Kinaumagahan, binuksan ko ang aking account at enapload ko ‘yong enidit kong picture. One week na boto – botohan kung sino ang may maraming like. Pinapabayaan ko lang ang aking entry kung sino man ang magla – like niyan. At ang naging resulta ay nakuha ko ang “Winner” sa contest. Ikinagulat ko na lamang iyon at parang ayaw kong maniwala at about naman sa price at hindi ko talaga nakuha. Dahil nga nasa probinsya ako at sa Maynila ‘yong event at isa pa, hindi pa tapos ang klase. Kaya hanggang ngayon ay nasa panaginip ko na lang makikita ang kaisa – isa kong idol. At nang dahil kay *****a, kaya nagkaroon ako ng FB Account.
        Ang pang – e – edit ng mga larawan ay nagiging libangan ko na lamang mula nang matuto ako nga computer at nang Photoshop. Nakapag edit ako ng aking mga larawan at nag – e – ekspirmento, pero may kulang eh. ‘Yon ay ang aking inspirasyon sa paggawa. 3rd Year High School ako nong may nakilala akong “Apple of my Eye” kung tatawagin. Opening pa lang ng klase noon at isa siyang transferee galling sa isang private na paaralan. Gwapo at mukhang mabait ang pagkakatanaw ko sa kanya. Section 2 siya at ako naman ay Section 1, pero malapit lang at matatanaw mo ang kwarto nila sa kabilang building mula sa aming kwarto sa kabilang naming building. At napilian akong monitor ng klase kaya tuwing umaga kung nagpa – flag ceremony kami ay nag tsi – tsik na ako n gaming attendance. Gustong – gusto ko naman dahil nga magkatabi lang ang aming linya. At ako naman ay pa gala – gala lang. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman ko na lahat – lahat ng ugali niya. Hindi pala totoo na mabait siya, hindi siya pala isang anghel. Kung gaano ka buti ang pagmumukha niya, ay ganun din kasama ugali niya. Pero hindi ko lang iniisip ‘yan basta iba ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya siya na lang ang ginawa kong inspirasyon. Nagiging mabuti – buti na rin ang mga ginagawa ko. Kahit sa konting tingin lang sa kanya araw – araw, ay parang nabuhay muli ang mga patay kong mga ugat sa aking katawan at nawawala lahat ng mga problema ko at mga pagod. Dahil kay *****o nagiging makulay ang aking buhay bilang isang estudyante at bilang isang tagagawa ng mga Program Cover, Video Slideshow, Invitation Letters, at iba pa sa school namin.
        Ang pangatlong palaisipan na ‘to ang napakakuplikado para sa akin. Parang ‘di ko na masolusyonan pa. dahil naglalaban ang aking isipan sa aking nararamdaman. Dahil nga sa sobrang close sa isang tao ay mahuhulog na mahuhulog ka rin sa kanya. At ‘yan ay totoo at nangyari ‘yan sa akin. ‘Di ko malaman kung bakit nga ba. Smart user ako at ayaw kong bumili ng ibang sim kung ang dahilan lamang ay makipag text – text sa mga kaklase ko, dahil lahat – lahat ng mga kaklase ko ay Globe user. Pero ewan ko ba kung ano ang pumasok sa loob ng utak ko at bigla akong bumili ng TM SimCard na noon ay ayaw na ayaw ko. At isa pa, lahat kaming magkakapatid at aking mga contacts, ang gamit ay Smart. Nang bumili na ako ng bagong sim ay agad akong tinanong nga mga kaklase ko kung bakit ba nag – iba na ako ng taste. Ang mababaw kong sagot ay “Para maka text – text ako sa inyo”. Pero ‘yan ay hindi totoo. ‘yan ay dahil kay *****o, para makipag text – text ako at makapag – usap kami.
        Ang mga bagay minsan ay hindi mo maintindihan kung bakit nga ba ito nagyayari. Pero ang mga nangyari sa akin ay isang napakagandang ala – ala na pinabaun nila sa akin na hinding – hindi ko makakalimutan magpakailanman. *****a, *****o, at ******o, maraming – maraming salamat sa inyo at nakilala ko kayong tatlo at naging bahagi ng aking buhay. At kayo din ang dahilan kung bakit gustong – gusto ko pa ring mabuhay sa mundong ito. Sa ating Panginoon, maraming salamat po, sa aking mga magulang at pamilya, mga kaibigan, at sa mga matalik kong mga kaibigan, kayo din ang dahilan kung bakit nandito pa ako at nagpapasaya at nagpapatawa sa inyo.

No comments:

Post a Comment