Wednesday, August 22, 2012

Hawak na Nakakakiliti


            Naranasan niyo na bang mahulog sa isang taong makulit sa’yo at nagbibiro? Isang taong hindi mo inaasahan na dadating siya sa buhay mo at bigla ka na lang napatulala? ‘Yong ‘di mo sana siya gusto at ibang-iba talaga ang katangiang gusto mo, pero pumapasok talaga siya sa puso’t isipan mo? Hindi mo na kayang tiisin ang nararamdaman mo, pero paano mo siya mawala sa isip mo?
            Ako? Ay isa ‘ding tao, na nangangailangan ng konting inspirasyon. Para mawala ‘yong mga pagod at mga problema ko sa buhay. Isa akong estudyante na palagin na stress sa dami ng aking tinatrabaho at ako’y may malambot na puso na madaling mahulog at madali ‘ding magtampo. Minsa nga, nag-away kami ng aking mga kaibigan dahilan lamang sa maliit na bagay. Ang bagay na pwede namang pag-usapan, pero lumalim at lumala ito. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at sinabi ko na sa isang gurong kung makapagsalita ay napakasarap pakinggan at nangigising sa katotohanan. Sabi niya, kulang daw ako sa pansin ng aking mga kaibigan dahil nga daw sa sobrang busy ako sa aking trabaho at pag-aaral. Siguro nga ganyan talaga ang katangian ko, madaling magtampo at madaling mahulog. Nahuhulog lang naman ako sa mga taong gusto ko, pero nililihim ko ‘yon. May palihim na tumitingin sa kanya o kung anu-ano pa. Pero minsan ‘di ko na makayanan. At ang aking sekreto ay ibinubunyag ko na sa aking mga matatalik at makapagkatiwalaan na mga kaibigan. Isa akong tao na mapaglihim, madaldal sa mga taong nasanayan ko na, at mapagbiro din. Ayaw ko ng away, kaya ‘pag tinutukso nila ako dahil sa aking kasarian ay tinitingnan ko na lang sila sabay ngiti at parang wala lang. Hindi ko na dinidibdib ‘yan dahil palagi na lang ganyan ang sinasabi nila sa ‘kin mula nang bata pa ako kaya nasanay na ako ng ganyan.
            Mula nang elementarya kami, hindi ko talaga siya gusto. Siya ay isang lalaking seryoso, mapagbiro minsan, at para sa aking wala siyang ka taste-taste. No’ng Grade-IV kami, kaklase ko siya. Natatandaan ko pa nga na sumali kami sa isang Interpretative Dance. Hinding-hindi ko ;yon makalimutan pati ‘yong kwento ng kanyang buhay. Hanggang sa lumipas ang mga oras, buwan, at taon, Fourth Year High School na kami. Hindi ko siya pinapansin o napapansin dahil ‘di kami close. Sa bilis siguro ng panahon ay nag-iba na ang ihip ng hangin at nagbibiruan na kaming dalawa. Hanggang dumating na ang araw na parang close na close na kami. Palagi niyang hinahawakan ‘yong baywang ko dahil nakikiliti ako. At kung nagagalit na ako sa kanya ay hindi ko magawa dahil tawa siya nang tawa. Dahil ‘di na daw ma-drawing ‘yong mukha ko.
            Meron na akong nagustuhan, ibang section at hindi kami magkaklase. Since, third year ko pa siya naging inspirasyon. Pero dumating ‘tong UFO sa buhay ko eh. Nag malfunction na yata ‘yong utak at bigla na lang sa kanya napatuon ang aking pansin at pagtingin. Hindi ko nga ma-explain kung bakit ko siya gusto. Hindi naman siya ang type ko at higit sa lahat ngayon lang kami naging close. Hindi lang iyan ang mga katanungan na itinatanong ko sa puso’t isipan ko. Maraming-marami pa, ‘di ko lang mabilang-bilang. Hindi nga ako makapaniwala na nang dahil sa biro naming at kiliti, bigla na lang bumagsak ang puso ko sa lupa at ‘di na mababalik pa. pero minsan na e-try ko na kakalimutan na siya, pero hindi talaga mapigilan ang tibok ng puso na ang hanap-hanap ay siya. Mukhang napakalakas talaga ng tama niya sa akin, tumagos talaga hanggang sa utak ko.
            Dumating ‘din ang araw na hinihintay ko. Ang mawala siya sa buhay ko. Ang saya-saya ko pa nga eh, nang biglang tumunog ‘yong cellphone ko, isang mensaheng nanggagaling sa kanya. Heto namang si gaga binuksan ‘yong message niya at nakilig. Agad-agad kong ne-replyan at tuloy-tuloy na ang pag-uusap naming. Ilang buwan kong tiniis ang hapdi’t kirot para mawala at mabura siya sa isip ko ay isang text lang pala ang katapat at balewala na lahat ang pinaghirapan kong malimutan siya.
            Pero isa ‘din siyang malalaking tulong sa akin. Dahil siya ang naging inspirasyon ko sa buhay. Unti-unti niya inintindi sa akin na maliban sa kaibigan ay may iba pa palang nag-alala para sa akin. Kahit sa panaginip ko na lang siya makikita at makakausap. Maraming salamat sa’yo, kung saan ka man ngayon, mag-ingat ka lagi at huwag mong kalimutan na para kang isang himala na may iniligtas kang isang buhay ng tao na balak na niyang tapusin ang mga pasakit sa kanyang buhay.

No comments:

Post a Comment