Monday, August 13, 2012

Tiwala sa Sarili

Photo Source: http://www.aroundtheflexure.com/wp-content/uploads/2011/10/bob-winsett-silhouette-of-woman-trail-running-co.jpg
          Paano kaya kung ikaw na lang mag-isa ang namumuhay? Malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay, wala kang kakila-kilala ni isang tao man lang. Paano ka mabubuhay dahil iba na ang iyong paligid, hindi tulad ng dati na malayo ka sa sibilisasyon. Kaya mo pa kayang magpatuloy sa iyong desisyon para sa kinabukasan mo?
          Ang tiwala sa sarili ay nasa ating sarili na, nasa atin na 'yan kung papano natin ito gagamitin. Ito ay nagmula sa ating sarili hanggang ang ating hinahangad ay makamit. Ito dapat ay 'wag nating iwala dahil ito ay ating panangga sa anumang laban na maari nating harapin. Kailangan habang tumatagal ay lalo nating palakasin ang ating tiwala sa sarili para kung ano man ang mangyari, tayo ay handa at hindi na tayo mag-alala pa. Kung nawalan ka man ng tiwala, 'wag kang mag-alala at merong solusyon 'yan. Ipikit lang ang mga mata to manalangin ng taimtim, manalangin ng mula sa puso't isip mo. Dahil andyan palagi ang ating Panginoong Diyos na walang sawang nagsusuporta sa atin. Sigurado akong 'di ka niya bibiguin.
          Hindi ko naransan maghiwalay sa aking mga mahal sa buhay nang matagalan. Pero wala akong magawa kundi tiisin ang lahat-lahat ng lungkot na aking nararamdaman. No'ng una, mahirap para sa aking ang mag-adjust sa mga tao sa aking paligid. Ang iba ay magkakilala na dahil sila'y nanggaling sa iisang barangay at ang iba naman ay kaklase nila no'ng hayskul. Akala ko ako lang mag-isa na namumuhay dahil ni wala man lang sa kanila ang kumakausap sa'kin. Talagan miss na miss ko na talaga ang mga barakada ko't kaklase. Parang gusto ko nang umuwi. Parang nawalan na ako ng tiwala sa sarili at gusto ko nang umiyak at tatawagin ko si nanay na kunin nila ako dito, pero hindi ko naman gagawin 'yan dahil mapapahiya lang ako sa kanila at dahil malaki na ako at may isip na.
          Lumabas akong mag-isa galing sa kwarto nang madaanan ko ang katulong ni lola. Si lola ang nagbabantay sa amin dito. Sinabihan niya akong umupo sa tabi niya para mag-usap. Gumaan ang aking loob, sa wakas ay hindi naman mapanis ang laway ko. Nag-usap kaming dalawa at pinakilala niya ako sa ibang mga makakasama ko.
          Sa susunod na araw, maaga pa akong gumising kasi maaga pa ang aking pasok. Naghanda na ako ng aking kakainin, pagkatapos ay kumain ako. Mag-isa lang ako sa mesa, wala ni sino man ang kasabay kong kumakain. Habang ako'y kumakain kumakabog ang aking dibdib, hindi ko alam kung ano ang naging dahilan. Bigla nalang na hindi ko na kayang lunukin ang kanin at parang hindi na matanggap ng aking lalamunan. Pumatak ang isang butil ng tubig mula sa aking malulungkot na mga mata, biglang nagbago ang aking paligid. Naisip ko ang sinabi ni nanay sa akin "Paano na lang kami ni tatay mo kung sa malayo ka na, mga aso na lang ang kasama namin dito kung wala ang kuya mo minsan." Biglang napakabigat ng nararamdaman ko, gusto ko na talagang umiyak ng sobra-sobra. Ayokong malunngkot si nanay at tatay dahil sila ang pinakaimportante sa aking buhay. Gusto ko na talagang umuwi, ayaw ko na, susuko na ako, pero sabi ko sa sarili ko "Kaya ko 'to, kayang-kaya, kung kaya nila, kaya ko din ito." Naisip ko rin na kung uuwi ako at ihinto ko lahat-lahat ng pangarap ko sa buhay. Ano na lamang ang mangyayari sa akin balang araw?
          Lumipas pa ang maraming araw at hindi ko na namalayan na malapit na ako sa aking mga kasama. Mababait din sila at mapagbigay tulad ng aking mga kaibigan. Bukas ang puso't isipan nila kung sakaling magpaturo ako ng aking mga lessons sa kanila minsan. Naisip ko na, parang nasa bahay lang ako. Medyo nakapag adjust na ako at wala na ang lungkot sa aking dibdib. Ang saya pala kung nasa malayo ka dahil maraming tao ang makikila mo.
          Higit sa lahat, ako'y taos pusong nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos sa paggabay sa aking dito kahit malayo na ako sa aking mga magulang. Salamat Panginoon sa walang sawang pagmamahal sa akin. Kung may tiwala ka sa sarili mo, wala ka dapat alalahanin at kabahan. Kaya dapat magtiwala tayo sa ating Panginoong Diyos at sa ating mga sarili.

No comments:

Post a Comment